![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
|
Diane
Navigation
Home Sideblog
Tagboard
Flickr
Credits ![]() ![]() ![]() This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial- NoDerivs 2.5 License. Site powered by Tabulas Valid HTML 4.0 | Validated CSS (c) Xdspot Just save the button on your server and link it here! |
|
June 3rd, 2006
I MOVED!Posted by xdspot at 04:56 PM on June 3, 2006. diane.pinaychiq.com See ya!
May 29th, 2006
Si New FriendPosted by xdspot at 08:12 PM on May 29, 2006. Kanina masyado kong nagcoconcentrate sa gym, kasi matagal na kaming hindi nag-gym. Tapos habang nagdumbells ako.. may umaaligid na lalaki. Sabi ko nung una ano kaya problema nito.. eh suplada pa naman ako sa personal. Hindi ko tuloy alam kung talagang malakas appeal ko sa mga ganon.. Jump tayo sa shopping ulit... Kanina dumaan kami ng Greenhills, kasi nagpunta ng HSBC si mama, syempre nag-windowless shopping ako (windowless kasi Tiangge yun eh) may gusto sana ako, pero hindi ko na binili kasi may sinusunod na akong listahan ngayon. At eto yun:
Kaya ang binili ko nalang kanina is yung leather mini case. P250 sya, hindi ko matawara eh.. badtrip nga eh! OK naman sya, I like it kasi white! Love na love ko talaga ang white kahit boring tignan.. gusto ko pa din sya.
Currently watching: Bituing Walang Ningning May 28th, 2006
Itchy HandsPosted by xdspot at 05:02 PM on May 28, 2006. In tagalog, makati kamay... Wala akong magawa sa buhay ko at namili ako ng mga kung ano-ano lang. Goody na scrungie, curl clip (yun pala tawag dun.. refer to the picture below) saka Banana Peel flip-flops. May mag-rereact na bakit Banana Peel!? Cheap ba? Oo... cheap lang sya for P150 ba naman di ba, mahal pa nga yun eh, P50 lang ang Havana (hindi sya imitation for me, kasi ang Havana ay Havana, hindi nagpupumilit na Havaianas, ang fake ay fake.. ah basta!) Ayun, aaminin ko, I really want to own a least one pair of Havaianas, just because Havaianas sya. Babaw noh.. pero wala lang, parang LV, gusto ko magkaron at least isang LV bag.. Isa palang natutupad na luxury (luxury nga ba?) wish ko.. Coach bag (maliit nga lang). Anyway, balik tayo sa Havs... May money akong nakatabi for that slippers (talagang pinaglaanan ko yan)... pero everytime na nasa harap ko na yung Havaianas na yan, nawawalan ako ng ganang bilin. Una... parang pumapangit sya sa pangingin ko (sa totoo lang mas na-cute-an ako dun sa Banana Peel na binili ko -- ewan ko lang para sa iba. Kanya-kanya tayong opinion) Pangalawa, mahal sya.. kahit na may budget ako for that.. nanghihinayang ako.. naiisip ko kasi yung iba ko pang mabibili kung mas mura bibilin ko (like Dupe). Pero hindi rin ako masyadong na-cute-an sa Dupe (or pangit lang yung nasa SM Centerpoint-Gift Gate). Kaya tinignan ko sa Department Store yung Banana Peel.. Ok naman sya -- syempre mas madaling tignan kasi hindi sya mahal.. hindi mabigat sa dibdib.. hehehe! Tapos natuwa naman ako sa itsura nya, ayoko nga lang yung nasa likod nya... Parang keds.. hehehe! So kahit paano nabawasan ang "craving" ko for Havaianas.. next time nalang. Pero ang matindi si lahat, yung scrungie at curl clip ko (natututuwa ako sa tawag dun sa stainless na yun!) Naka-sale na yung scrungie sa P180 from P299 tapos yung clip P139. Eh may GC ako na 100 from my Advantage, kaya ginamit ko na. Pagdating sa counter binigay ko na ung 200.. nagtataka ako bakit may hinihintay pa yung cashier, yun pala kulang pera ko.. mali addition ko. Naka-319 pala ako sa mga ipit lang! Tanga! Grabe... dapat lang ingatan ko 'tong mga ipit ko.. mahal! Nakakainis! Na-excite ako masyado! Badtrip! Pero ma-cute naman sila (syempre kailangan maging cute sya kasi mahal.. hehe!) kahit ordinary tignan, gusto ko colors nya. *Yung pabango dyan, binili ko sa Megamall last time (forgot kung anong araw yun), Eaulala, dalawa for P140 (kuripot talaga ako) mabango sya. May kaamoy pero hindi ko alam kung anong pangalan eh.. NY Spirit yang Orange na yan, tapos yung isa kasi bibigay ko kay friend, amoy Ralph, yung blue pero hindi Ralph Blue.. ang gulo ko! Basta yun!
Currently watching: The Buzz!!! May 26th, 2006
NakakalungkotPosted by xdspot at 03:14 PM on May 26, 2006 in After Graduation, Pictures. Wala na namang Orientation. Nakakalungkot. Isang taon na akong walang silbing nurse. Hay... pano kaya ako makakaalis ng Pilipinas kung hanggang ngayon eh wala pa din akong experience. CG passer nga ako.. wala naman akong trabaho. Nakakalungkot talaga. Pinipigil ko nalang umiyak kasi ilang linggo nako ngumangawa.. wala naman nagagawa ang pag-ngawa ko. Hindi naman ako ma-i-schedule for Orientation kung iiyak ako di ba?! Wala naman akong maisip na ibang gawin. Gusto ko talaga yung hospital na yun at ayoko ng mag-apply sa iba pa kasi sabi naman nila qualified naman na ako! Kung sana sinabi nila na hindi ako qualified edi sana nag-move on na ako. Sana nagtraining nalang ako sa St. Lukes for a month tutal 1 month na rin naman akong naghihintay ng orientation nila di ba?! Eh ngayon ano ako? Eto puro computer ang kaharap, every Friday tumatawag sa PHC... pag sinasabing wala pang orientation, iiyak ako. Paulit-ulit for five weeks. Sobrang devastated ako pag sinasabi nyang "Ay iha, wala pang orientation." o kaya "Ay iha, limited kasi yung slot, kapag may nag-back-out tatawagan nalang kita." Hay... sobrang nakakafrustrate. Sana nag-IELTS nalang ako kesa naghihintay ng kung ano man. Sana naman next week marinig ko na yung pinakahihintay ko. Ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko. Pag naiisip ko yung mga classmate ko na masaya na sa work nila lalo akong nalulugmok. Hayy... Nilinis ko nalang yung dresser ko. Alam kong punong-puno na sya ng germs. Pinicturan ko pa... eh puta! Wala kasi akong magawa! Hay...
Currently listening to: Control Myself May 20th, 2006
MakakalimutinPosted by xdspot at 02:57 PM on May 20, 2006 in After Graduation, Life. Last time na nag-grocery ako (inutusan kasi ako ni mama) pagkabayad ko at pagka-abot nung change, dali-dali akong sumibat sa counter... nakalimutan ko yung oatmeal na binili ko. Stupid di ba... eto pa... kanina lang nung nanood akong sine pagkabayad ko at pagkakuha ng change... sumibat na naman agad ako... nakalimutan ko yung ticket! Syet! Nakakahiya.. parang.. hello!? first time mong manood ng sine sa Gateway? Eh ang sagot eh oo! Pero hindi yun eh.. yung ticket yung nakalimutan ko.. hindi naman katangahan na simpleng ka-inosentehan lang.. Kakainis! Nabobo na ata ako! NEWSFLASH: May nasagasaan sa may Roxas Blvd. pumutok ulo, as in lumuwa ang utak. Naalala ko yung nakita kong picture sa e-mail. Kadiri talaga! Mahilig pa naman akong tumawid sa may ilalim ng pink na sign.. BAWAL TUMAWID NAKAKAMATAY. Nakakamatay nga pala talaga. Kasi naman ang layo talaga ng tawiran. Ngayon.. nag-dadalawang isip na akong pumunta sa SM......... pag nag-trike. I-gigive-up ko ba ang maliit na SM na kinalakihan ko? No way! Kahit pa maiikot mo sya in five minutes.. dun pa din ako. Magpapadrive nalang ako. Anyway, about The Da Vinci Code. Hmmmm... OK lang. Disappointed ba ako? Hindi ko alam... sa totoo lang.. hindi ko talaga alam. Bakit? Kasi nung umpisa lang ako na-excite.. hindi ko alam kung self-inflicted (huwat!?) ba yun o talagang nakakaexcite yung umpisa. Hindi masyadong nakakatakot si Silas. Expected ko kasi mapula mata.. parang the grudge na parang sadako. Hindi eh... saka hindi pala talaga magandang basahin ang libro before mapalabas yung movie. Kasi icocompare mo ng icocompare. Tsk! Shungangot ako! Next time hindi na talaga. Nakakabadtrip eh. Pero sa point of view naman nung hindi nakabasa hindi rin sya natuwa eh, gruesome lang talaga yung cilice ni Silas. Wow! Medyo rhyme! So ano na? Wala na naman akong gagawin sa buhay ko. Mag-round two nalang ako ng Harry Potter para may gawin.. Kakalungkot ang walang work. Nakakapagod ang walang ginagawa.
|
|
Layout by Bouncy Bubbles.Net
|