WELCOME TO
Veya's Haven
October 6, 2008
What you are really afraid of
Posted at 03:13 PM in Literature, Learning Experiences

What you are really afraid of...

You're not scared of the dark. You're just scared what's in it.

You're not afraid of heights. Youire afraid of falling.

You're not afraid of the people around you. You're just afraid of rejection.

You're not afraid to love. You're just afraid of not being loved back.

And you're not afraid to try again. You're just afraid of getting hurt for the same reason.



October 5, 2008
family feud
Posted at 12:17 PM

heto na naman mudra at pudra ko..

gustong ibenta ng mga magulang ko ang nag-iisa na lang namen na lupain sa Laguna. sabi ng nanay ko sobrang tayog daw nun at kahit mamatay pa daw siya hindi namen mapupuntahan. 5 hectares lang naman. equivalent sa 50,000 square meters. 5 million pesos daw bibilhin at kahati ng nanay ko ang kuya niya. so tig 2.5 million pesos sila. teka.. let's do the math..

5 hectares = 50,000 sq m

Php 5,000,000 / 50,000 sq m = Php 100/sq m

kayo na maghusga kung mahal o mura...

dati binenta rin ng mga magulang ko ang bahay namen sa Pineda..

binenta rin nila ang taxi namen, ang Besta na van, owner, etc..

tapos nagulat ako kanina nang malaman ko sa panganay kong kuya, na yung lupain namen ng lanzonez sa Laguna eh binenta rin nila nung mid-90's..

ngayon, puro utang kame sa bangko.. hindi ko alam kung san na napunta yung  mga pera.. pag tinatanong ko nanay ko, silip daw ako nang silip.. tapos nakasigaw na at nagbubunganga.. isa lang naman ang gusto ko at ng panganay ko na kuya eh.. PALIWANAG.

natatandaan ko noon, nung maliit pa ko, madami kameng katulong sa bahay. malakas ang bakery namen. may mga panadero pa nga kame nun eh. tapos kahon-kahon ang mga softdrinks at beer namen sa tindahan. (kahoy pa nga case ng softdrinks nun eh..)

ngayon, may paupahan kame sa likod ng bahay namen. 3 pinto. up and down. 2 bedrooms each.

pero kulang pa rin yung sinasahod ko sa trabaho. pagpalagay na kada kinsenas eh may Php 8,000 ako. yung 4,000 dun eh sa nanay ko, at 500 naman sa tatay ko. eh di 3,500 na lang pera ko. eh pag sahod ko namimili ako ng pagkain na maiuuwi. yung 500 eh parang barya na lang. so may 3,000 pa ko. eh nagbabayad ako ng internet kada buwan. so pagpalagay na minus 1,000. eh di Php 2,000 na lang pera ko. pagkakasyahin ko yun within 15days. may mga pangangailangan din ako monthly, like toiletries, napkins, etc. ang 1,000 ngayon pag nabaryahan, parang bula kung mawala.

akala ng mga kaibigan ko malaki ang sinasahod ko. siguro malaki na rin kung sa sarili ko lang yun ginagastos. eh hindi. 7 tao kame dito sa bahay. tapos minsan makakarinig pa ko nang kuripot daw ako. punyeta.

enough of this calculation. sumasakit na ulo ko eh.

ang punto ko lang naman dito eh. 3 taon akong nagtatrabaho. 3 taon akong nagbibigay samen. hindi naman sa isinusumbat ko pero sana naman makita nila na may sariling buhay din ako.

2 ang kuya ko. may pamilya na yung isa at 2 anak. pero samen pa rin nakatira. ultimo kuryente samen nakakabit.

walang trabaho mga magulang ko. yung hipag ko naman. kulang pa yung sahod niya para sa kanilang mag-anak.

ano pa nga bang masasabi ko kundi anak ng teteng.

ibinenta na lahat. wala nang natira.



October 4, 2008

Posted at 04:14 AM

sick and tired of the usual spiel....

all this non-sense is getting into me and i hate it.

sometimes i wonder, "where have all the good times gone.....???....if there is any......"



October 3, 2008
Date with an Angel
Posted at 06:00 PM in Everyday life

Yesterday was the feast of the Guardian Angels.  Ate Jhet has been texting the whole group about it: when it started, how, what can we do about it, etc.

For a short while, I prayed to my GA.  I was wishing that I could see an angel (a crazy wish huh?)

Guess what, just hours ago, I had a talk over a cup of coffee (or strawberry cream), with a girl named Angel. LOL

I really enjoyed the talk. We had lots of catching up because I haven't seen her since she left our office (yes, she was a officemate.)

Happy Birthday, Gel. I hope she likes my gift  smiley-innocent.gif



October 2, 2008
Plano ko (dapat) ngayong Araw
Posted at 02:12 AM in ramblings/rantings/sentimiento

Whaw, bakasyon. Buti naman may isang araw akong pwede kong gawin kung anumang naisin ko. Eto dapat ang magiging laman ng iterinary ko:

  • Mag-gigitara
  • I-format ang cellphone
  • Mag-drawing
  • Mag-aral ng japanese
  • Manood ng Nihongo Dekimasu
  • Magbasa ng manga
  • Pumunta sa SM Calumpang
  • Mag-edit ng logo pinakiusap ng ka-opismeyt ko

Nagising yata ako mga 9am na. Dahil inisip kong wala naman akong pasok, natulog ulit ako.

12nn. Tanghalian na. Kumain ako ng pancit tapos natulog ulit.

2pm. Dumating ang mommy ko. Nanood kami ng telenobelang pinagtataka ko kung bakit hindi pa matapos-tapos eh mababaw lang naman yung plot. Pagkatapos natulog ulit ako

6pm. Kailangan nang kumilos. Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang ... teka wala sa tono. Ginalaw nga pala ito nung spolied brat sa kabilang bahay at hindi ko na maibalik sa dati. Next time na lang.

6:30pm. Kinuha ko yung libro ko para sundan yung insctructions sa pag-dra-drawing. Kaso masyado akong natuwa kaya binasa ko na lang lahat. Oops, kakain na.

7:00pm. Kainan na, nakalimutan ko na lahat kasi nanood ako ng telenovela, lolx

12mn. Nag-edit ako ng logo hanggang 2am

Wasted nanaman ako. So much for the vacation day.

 



Attack! Attack! UK's "Honesty"


September 30, 2008
family tree
Posted at 11:14 PM

Sasabog na yata utak ko. Andame kong iniisip. Tangina. Pero suwerte na rin yata akong maituturing dahil may mga problema pa kong iniisip. Ibig sabihin buhay pa ko. Dati pag magulo utak ko, mabilis pa sa alas kuwatro ang maglaslas ako. (Emo? Hinde. Punyetang salita yan naimbento pa amputa. Pasintabi na lang sa mga "emo" na nakakabasa nito. Bigla kasi kayong nag-exist out of nowhere eh.)

Bueno, kelan lang eh napepressure ako sa tatay ko. Gusto niyang makuha na agad ang perang ipauutang sa kanya ng jowa ko. Eh dahil sa negosyante si jowa, gusto niyang makita ang business plan ng tatay ko. Na hindi naman alam gawin ng tatay ko. Ako naman 'tong si marketing grad, nabura na ang pagiging eksperto ko sa paggawa ng business plan. Kaya heto, humingi ako ng tulong sa bisor ko. Eksperto kasi siya dun. Kapatid niya daw bahala sa accounting dahil ayun ang forte niya.

Kanina, nag-init tenga ko kasi nagsalita na naman si erpats about dun sa inaantay na puhunan. Kesyo ang dami daw na rekotitos na hinihingi ni jowa. Sabi ko, ganun talaga. Negosyante eh. Gusto lang makita nung tao kung ano ang magiging ROI (return of investment) niya. Si erpats naman, aburidong-aburido. Atat na atat nang makuha yung kapital at nang makapagsimula na "daw".

Bagay na ikinakakakaba ko dahil minsan na siyang nagpakitang gilas nung magtayo siya ng mini-carinderia. (Tama! Wala pang isang linggo, sarado na. Galing mo! Pa'no mo nahulaan yon!) Pa'no kasi puro alak ang inaatupag.

Mabalik tayo dun sa pagka-aburido ni erpats. Sabi ko, "Buti nga nag-volunteer yung isa (si jowa) na pahiramin tayo. Eh yung mismong kamag-anak nyo nga, ni hindi kayo mapautang ni singkong duling eh!"

Hay..

Wala naman akong problema sa erpats ko eh kundi ang pagiging lassenggo niya simula nang.. (ah ewan! ni hindi ko na maalala kung kelan siya nagsimulang maging lasenggo!) Mabait siya kung sa mabait pero ang tigas ng ulo! Sinabi nang bawasan na ang pag-inom eh. (60 na po kasi erpats ko. Magbibirthday na nga ulit siya sa Nobyembre eh.)

Si ermats ko naman, ayun, mahilig pa ring magsabong.

Si panganay na kuya ko naman, ayun, 38 na, adik pa rin. (literal)

Si pangalawa na kuya ko naman, ayun, 11 years nang may pamilya pero samen pa rin nakatira.

Kung tutuusin, may mga taong  mas malalaki pa ang problema kesa saken. Ewan ko ba. Nawawala na naman ako sa katinuan ko. Mas masaya pa ko pag kasama ko mga kaibigan ko eh.


lemon tree by fool's garden


September 30, 2008
Enabling Tabulas Tagboard
Posted at 01:47 AM in tabulas

Dear Charo,

Itago nyo na lang ako sa pangalang binibining balintataw... Ako po ay labis na natutuwa na malaya ko pong naisasalaysay ang aking mga saloobin sa pamamagitan ng pagblo-blog. Maaari ko pang malagyan ng mga samu't saring pakulo, tulad ng pagpapalit ng anyo ng aking pahina upang maipakita sa mga masugid kong tagasubaybay ang aking pagkatao.

Subalit noong nakaraang araw, ninais ko nang palitan ang aking cbox upang maibalik ito sa dati nitong anyo, dahil <ed note: handwriting indecipherable>. Paano ko kaya ito mabibigyan ng lunas?

Umaasa sa inyong mabilis na pagtugon,

Balintataw

Salamat sa inyong sulat, binibining balintataw. Marami ngayon sa atin ang nakakahiligang gamiting itong makabagong teknolohiya na tinatawag nating blog. Sa kasamaang palad, ako man ay hindi makasabay sa daloy ng makabagong panahon dahil sa hindi maipaliwanag na pabugso-bugsong pagkaputol ng aking tulay papunta sa pangdaigdigang malawak na sapot. Upang pansamanlatang mabigyang-lunas ang iyong problema, panandalian mo munang ipikit ang iyong mata, pagkatapos ay bumilang ka muna ng isa hanggang pitong libo, siyam na raan at walongpu't lima. Pagdilat mo makakalimutan mo ang iyong password at hindi na muling makakapasok sa iyong blog. Hindi ba mas mainam? Gawin mo pala ito pagkalubog ng araw, mag-alay muna ng manok (dapat chickenjoy) bago isagawa ang ritwal. Ang maswerteng bilang mo ngayon ay 30. Huwag maligo sa buong araw upang lumayo ang mga nangungutang.

* * * * * * * * * *

Napakawalang kwents namang reply nun, hekhek

* * * * * * * * * *

Anyway, you can enable your tabulas tagboard by doing so:

1) Enable the tagboard

Go to Extras > Tagboard > Tagboard Options, then check the Enabled checkbox, as shown below.

For most people out there who are using premade tabulas layouts, this is the only setting you need to do (I think).

2) Edit your layout

For those who are using a custom layout, you have to do some additional steps.

Go to Styles > Layout, then choose the layout you would like to have your tagboard enabled. For most users, I would assume this is your active layout. Click the Edit link as shown below:

3) Place the tabulas tagboard tag

Now here's the tricky part: Most layouts are coded differently, so you should know where you will place it. Searching for "tagboard" or "shoutbox" might help so you can locate it, but then it would be advisable to copy and save your current layout to a notepad or something before editing it (I would not be liable to any damage this will do to your layout, lolx). But then if you feel confident enough and you think you can handle it, then fire away! Knowledge of basic HTML is enough.

In this example, I will use the letter sender's layout code to edit. All you need is to place <!-- SITE['TAGBOARD']--> in your layout and tabulas will take care of the rest.

For most layouts, the annotations above will not be applicable, so don't follow it. Please use the comments link below if want advice on how to edit your page.

Enjoy!

P.S: Contrary to popular belief, I am not getting paid by roy to do this, but if you feel like doing it, drop me a few coins or a free nintendo ds perhaps?



September 29, 2008
End of the semester resolutions...
Posted at 12:10 AM

it's never too late, right? hahahaha...

1. i will not gorge myself over food. xD i want to have a slimmer body and i want to save money so i could buy myself a new desktop and a digital camera! woot

2. i will TRY to go to mass every sunday. again, im not your typical catholic filipino who goes to mass every sunday coz' im uber lazy. to be honest, worshipping God is actually least in my priorities... but i want to change that. i don't know why.. but i just really want to. maybe because going to mass makes me happy.

3. i will not procrastinate. hahaha this is soo BULL. lol

4. i will do better in my sport. hmm.. i think i can do this. tapang lang hehehe.

5. i will be a better friend.

6. i will get a boyfriend before college ends! Hahaha... chos!

7. i will DO GREAT in my philosophy finals.

8. i will do excellent in my upcoming finals, defense, RFPs, and papers.

yey!! i hope ill be able to these stuff. ^^

good luck to me.



« Newer | »
Thank you NQDESIGNS.X-TENSHI.COM for the layout!