poso-negro ni siquey...

November 24th, 2008

TULA: Study of Death ni Barbara Cully

http://openlearn.open.ac.uk/file.php/1621/K260_1_004i.jpg
Study of Death
Barbara Cully
 
one
 
When i heard you say, "Water escapes me yet marks me, " you were sitting across from me blooming in a life's high season. In my office you were haunted by your blue dress, the image of it in the mirror across from you last week at the clinic. You talked about surviving the illness and your increased difficulties with the cure. A beautiful choice, blue, hanging empty across from you. Your exposed chest with its scar as a talisman. And your quietude as a protection into the end of the day. Always barely breathing, brave, you cleared your throat of everything before you spoke.
 
two
 
When I heard the news, I scattered. Out of the building onto the street, dismembered. Later on, on the beach, I would come across my limbs wandering each alone among the breakers. You slipped past me. You slipped under the conversation we were having into the eternity we talked about. Our literal feet resting on the floor and Whitman's "look for me under your boot soles" across the room. Across your forehead a curved spider dashed cleanly not announcing its escape.
 
three
 
In the Tomb of Hunting and Eating, stars float as fish: A plant has the appearance of a rope, a rope the appearance of a snake and so on: Warriors, barefoot, pictured next to the Lady of the Beasts in a sacrifice scene: Noble women on horseback, intoxicated, the sacred and the profane interwoven with punishment and loss. In subsequent panels, we see these same women as attractive grotesques turning into wild boars or wolves.
 
four
 
Of course, at the shoreline's violent end, I will also fade. We will be everywhere seeking a god who walks between the buildings and who also rages. Later, after I live my life, I get to say, near me were near the fire. You get to say, cross over; wither and fade; blossom to the sky. For a few it was the custom to go ashore when they found the madness overtaking them. Here I should mention the matter of enormous waves. Those who were seized with the battle rage became beasts, and then they flung themselves against cliff sides and the huge rocks. At dusk, the low-light fire of the world, the water dragon, the poet puffing poppies then asleep in his cave of opium. The angels, losing no time, were putting something into what we were drinking, floral rosettes, fauns, the unaccounted for taste of truffles and women.

Posted by Siquey at 11:51 AM in Mga Tula | gumamit ng banyo

November 16th, 2008

Crab Mentality- Crap Mentality

Natuwa ako sa kalalabas lang na poster sa ibaba. Tumutumbas siya sa kompetisyon sa pagitan ng Manila at Cebu sa aming account sa PS. Mali siguro ang basa ko sa payak na intensyon ng gumawa nitong poster, pero hindi ko mapigilang bigyang-pansin ang katotohanan sa likod ng dalawang sipit ng mga alimango.

Crab Mentality

Marami haka-haka ang nakalutang sa loob ng account naming ngayon, at sindami rin nito ang mga nagra-rant sa mga desisyon ng management nitong mga huling araw. Bahala sila. Nananahimik na lang ako.  Bahala sila sa mga amoy-shawarmang buhay nila. Datos lang ako kung datos, sige. Basta tuwing lumalabas ako pagkatapos ng bawat shift ko, pwede akong sumigaw ng " I ain't biting the curb, madapakars!!!". Yun. 

Maghilaan kayo pababa. Bahala kayo. Basta huwag niyo akong guluhin. Manonood lang ako ng online videos. Tenkyu.  

Posted by Siquey at 02:25 PM in Mga kwento | 5 ang nag-flush

November 15th, 2008

Dahil wala akong maisulat...

... Isa munang tula ni Roo Borson.

SUMMER'S DRUG

Those nights. They came after days during which my father's cigarette glowed like a rose caught in sunset on a distant hillside. Then he would stub it out and night would fall.

The air would be traversed by strange scents emanating from night-blooms, and the passion vine broadcast for miles around its coded message, wound along the trellis. The fruit dangled, frosted with silver and fur, and inside: a smile of translucent teeth, a mouth full of smuggled jewels. The honeysuckle threaded everything with white and yellow trumpets, evaporating in a sweet gas. So sweet that one inhalation inflames the nostrils and after that is no longer detected.

All night long my parents slept, breathing it, my mother facing that darkened place she would always roll toward, the open window to the wild hill. And my father next to her under the light, fallen asleep in the middle of himself as in a field he'd been crossing, the book still open beneath his fingers, and the circling moths, with wings of powdered lead, whirling shadows around his face.

Posted by Siquey at 09:04 PM in Mga Tula | gumamit ng banyo

October 12th, 2008

Tumuwad ka, Baby.

Pornstar

Sira ang karera ni George Estregan kung nagkasabay kami.

Posted by Siquey at 09:42 AM in Mga kwento | 7 ang nag-flush

October 6th, 2008

Sa Balutan

sa balutan
Nasasanay na ako sa bagong sched ko sa opisina ngayon: 8am-5pm. Parang taga-GSIS lang. Maaga akong nakakauwi ngayon sa kwarto at dahil wala naman akong ginagawa sa kwarto kundi pagtiisan ang ilang malinaw na channels sa naka-tap kong cable, o kaya ay magbasa ng ilang librong nabasa ko na dati, tumatambay na lang ako sa kanto. May bagong tambayan ngayon sa amin. Ito ay ang Pong's rolling store, o mas kilala sa bansag na Balutan. Kapag bumababa kayo sa Staff house, malapit sa Market! Market!, ito ay ang kariton na mukhang tindahan na mukhang karinderya sa kanto ng Lirio. Dito kami inaabot ng madaling araw sa pangaabuso sa nakamamatay na kombinasyon ng Red Horse at Balot. Highblood kung highblood.
 
sa balutan
 
Parang buhay ng isang kahon ng sapatos ang Pong's rolling store. Nagsimula lang ito bilang normal na mesa na inilalabas kapag may tagay; isang tablang may apat na paa, may mantsa ng mga nagdaang inuman. Nang naisipang magnegosyo ni Tatay Pong (Ama ni Pareng Puyo), ginawa niya itong patungan ng mga diyaryo sa umaga. Nang naambunan ito, kinabitan ng pansamantalang bubong. Nang kinailangang iiwas sa sikat ng tanghaling-araw, nilagyan ng gulong, at nang nagpumilit sumilip ang sinag o kaya'y bumuhos ang ulan, dinugtungan ng "trapauline" (trapal na tarpauline). Nang napagpasyahan nila Pareng Puyo na magbenta ng lutong ulam, nilagyan ng istante sa ibabaw, at ginawan na rin ng kabinet sa ilalim. Pinahaba na rin ang kabilang dulo nito upang pagpatungan ng lalagyan ng Balot na inilalako naman kapag lumubog na ang araw. Ang sunod na balak ngayon ay kabitan na rin ng ihawan sa isang dulo para magpaisaw kami sa gabi. At siyempre, hindi na rin maiwasang maging kama ito kapag may senglot na at hindi na makauwi. May mga nakatago na rin namang unan sa ilalim nito.
sa balutan
sa balutan

sa balutan

Dito ngayon ang palaging umpukan mula nang tinibag ang basketball court sa dose. Hindi naman kami basta papayag na maubusan kami ng pantagay mula nang hindi na kami makaharang sa basketbol. Kapansin-pansin na ngang parang may "shifting" na rin ang mga tropa; isa lamang ang lumiliban sa bawat isang araw. Kadalasan, Lunes ako absent. Marami kasing trabaho sa opisina nun at di na ako nakakadalaw sa balutan kapag nakahiga na ako sa maasim kong kama. Nawiwili akong tumambay dito dahil sa dami ng nahuhugot kong mga ideya habang nakaupo sa may balutan.
sa balutan
 
Andami ko pang gustong sabihin kaso nabuburyong na ako. Gusto ko pa sanang idagdag ang mga naiambag sa akin ng balutan, at ang mga nangyari nitong mga huling araw, at mga plano ko sa mga susunod na buwan, pero putangina kasi, hindi ako marunong gumamit ng burador kapag gumagawa ng blog. Nagawa ko na ang buong entry na ito, 1 week ago, pero nawala nung ipopost ko na.Ukinanginangyan. Kaya kapag gusto kong balikan ang mga naisulat ko dati, mas lalo lang akong nababadtrip sa aking katangahan. Lahat ng naisulat sa mga naunang stanza ay parang pilit ko lang inuulit na isulat, kaya ampangit. Sana maikwento ng mga litratong isinama ko dito ang mga gusto ko pang ikwento sa inyo. Sana.

sa balutan

sa balutan

Heto na lang. Basahin niyo na lang itong tula na nagawa mula sa kanto. Naipost na yan dati. Lahat ng nagamit na imahen diyan, nahugot lahat sa Kanto ng Lirio. Lesson: gumamit kayo ng draft kapag mag-blog kayo. Huwag niyo akong gagayahin. Kung gusto pa ninyong marinig ang ilang kwento, text niyo lang ako. Tambay tayo minsan sa Balutan.
 

Sa balutan

Sa Pagtambay

    

I

May basag na naman

kagabi. Kasama ang ilang tuyong bulaklak

ng naghihikab pang bugambilya, hinakot ko

ang mga bubog. May pipilay-

pilay na pusang tumawid. Nakakainip.

Sana dumating na

ang pansit.

    

II   

Nagbuhat din ako nang

bagong-lipat sila dito. Ngayon, 

pinili kong ilabas

ang mga ipinasok ko rin noon. Halos

wala nang natira. Nang mag-isa kong itinawid

ang mesa sa pinto,napunit ang ngiti 

ni Mayor sa poster. Ang mahalaga,

nakalusot.

Nakakapagod.

    

III    

Paikot-ikot,

                        magkatalikod

ang mga askal, nais nang makawala

sa isa't-isa. Nagkasalubong

ang tatlong butiki sa abenida

ng pader. Hinihigop na ng sulok

ang mga anino. Pauwi na

            silang lahat.

    

IV   

May pusang

pisa sa gitna: pasador sa hiwa

ng daan. Marahil, huli na

niyang buhay.  

Habang mahimbing ang matandang

poste, pinapatahan na rin ang videoke;

"Are you having fun yet?" Sandali na lang,

papatayin na si Sinatra.

Maagang magsasara ang bahay-

aliwan. Maaga-aga rin akong

                mag-aabang

muli,

sa pansitan.

Posted by Siquey at 11:55 AM in Mga Tula, Mga Bola, Mga kwento | 1 ang nag-flush

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon