wala ka na
the Cambio Christmas song!
January 1, 2005 posted at 07:10 PM

Wuhu. Nakakaiyak. Na-download ko na ang Mi Karansay ng Cambio. Kahapon ng gabi (mga 30 mins. bago mag-bagong taon) ko pa dina-download eh.

Ah. *spreads goodwill*
Cambio - Mi Karansay

bumili na kayo

isang regalo para sa lahat!!!
December 23, 2004 posted at 07:26 PM

Para sa mga mahilig sa ganitong bagay:

Pirata da MP3 rotation has been...rotated. May kanta mula sa Itchyworms, Ciudad, Eraserheads, Spongecola, at kapag na-update ko na, Wannadies and Orange and Lemons.

Maligayang pasko sa inyong lahat, at manigong bagong taon!

paki-bisita na rin ang main domain - may bagong layout na siya!
ang Cambio - Patlang sa utak ko

bumili na kayo

talaga lang
December 14, 2004 posted at 09:33 PM

Pangako, gagawa ako ng fanlistings para sa Sandwich at Spongecola! Tentative pa kasi ang aking pagnanasang gumawa ng fanlisting para kay Buddy Zabala (kasi sino ba naman ang sasali dun, no?)

Nakakadepress buhay ko ngayon. Napapaligiran ako ng mga talentadong tao, tapos...(tingin sa ibang site)

HOLY FUCK! Two years na pala akong nagbablag?! November 24, 2002 ako nagsimula, tapos ano ngayon, December 14, 2004! Muntik na akong magka-mini heart attack nun ha. Di ako makapaniwala, grabe.

(back to regularly scheduled programming)
Pipitsugin na nga self-esteem ko, tapos nakikita ko ang ginagawa ng mga kaklase ko, tapos wala na. Depresso na lang uli. Di ko masisisi ang nais kong manigarilyo paglaki ko. To paraphrase yung sinabi nung mama sa Bridget Jones' Diary: The Edge of Reason: I smoke because I hope that it will kill me eventually. Hindi naman sa suicidal ako (hell no) pero parang in control kung may ginagawa yung mga kamay ko. May pagka-control freak ako eh. O siguro more of obsessive-compulsive, kasi medyo strikto ako sa daily routine ko eh. Oops, nawala ako sa topic, sorry.

Isa ko pang problema ay pokus. Wala kasi ako nito eh. Ako yung tipong paiba-iba ng interes kapag may natipuhan. Minsan ganito, minsan ganun, wala akong solid na foundation (maliban sa kanya). Nakakafrustrate eh. "Jack of all trades but master of none" ata yung tawag doon.

Arg. Gabi na. Nakakadepress ang pagiging depressed kapag gabi.
Twisted Halo - #36

bumili na kayo

usap rakista, atbp.
December 9, 2004 posted at 09:14 PM

Paalala! Silent Sanctuary sa NU107 The First Show sa Sabado, 6am-8am, tapos Cambio sa 99.5 RT Sunday Sessions sa Linggo (kelan pa ba), nagsisimula 8.30-9.30ish hanggang 11something. Hmm, sa tingin ko kailangan kong hiramin ang radyo ng nanay ko para sa SilentSanc, kasi may praktis kami sa Sabado. Mabibingi na naman tenga ko sa dalawang araw na ito.

Pinahiram ako ng Twisted Halo. Astig sila, mostly heavy rock ang tunog, kaya meron na akong "angry music" kapag napapa-PI ako sa mundo liban sa Radioactive Sago Project. May pagka-experimental rin sila sa ibang tracks, pero maganda ang kinalabasan.

Bumili nga pala ako ng tape ng Natin99 at Fruitcake, parehong mula sa Eraserheads. Yung Natin99 binili ko kasi nabalitaan ko na kumanta si Kuya Buddy doon, at yung Fruitcake kasi may libro ako nun, at gusto kong marinig yung "soundtrack" niya. Obviously, mahal na mahal ko pareho, lalo na't dahil nakita (o narinig siguro ang mas magandang term) na ang ganda ng boses ni Kuya Buddy! In labsh ako! Suwabe, extremely likeable (ika nga ng isang review) at ang flexible (pakinggan ang The Fabulous Baker Boy)! Gusto ko talaga ng CD nito, para marinig ko ang kanyang mahiwagang boses habang gumagawa ako ng proyekto ko sa PC! Di ko pa masyadong napapakinggan ang Natin99 eh, kasi pinahiram ko, tapos na-rekordan ng humiram, tapos pinalitan niya ng isa pang kopya, tapos may "Baker Boy/Fruit Fairy" hangover ako kaya gusto ko lang patugtugin ng paulit-ulit ang Fruitcake. But I'm getting there.

May bago kaming pakulo ngayon: college sentai. Hindi hentai ha, sentai, as in yung sina Bioman, Shaider, Power Rangers, etc. Nanghahatak nga ako ngayon ng mga tao upang i-drowing sina Red Star, Blue Thunder, Green Leaf at Yellow Submarine, at habang dino-drowing nila ang "action poses" ng sentai, kinukwentuhan ko sila ng kabaklaan. Napakasama ng impluwensiya ko sa tao - pati yung matino kong kaklase, gumawa ng intriga tungkol sa dalawang lalake sa eskwela na dapat kong bigyan ng codenames.

Owrayt! Dumadami na ang hostees ko! May dalawa pang kaka-apply lang (syempre, aprub!) at yehey, 12% na ang nagagamit na bandwidth kahit unang linggo pa lang ng Disyembre. Ako lang siguro ang magiging masaya sa balitang ito, kasi sinasabi nito na may bumibisita sa website ko, lalo na sa pinakamamahal na MP3 rotation. Hurrah.
Eraserheads - Pop Machine

bumili na kayo

masakit ang kamay ko
December 7, 2004 posted at 09:18 PM

Ansakit ng kanang kamay ko ngayon. Ang hirap galawin ang mouse kaya eto, touch typing gamit ang kaliwa. Sa tingin ko carpal tunnel syndrome ito - hanggang balikat yung sakit eh. Ayaw ko magka-carpal tunnel! Nakahalandusay lang ang kanang kamay ko sa mesa habang naguguluhan ang kaliwa ko sa mouse. Huhuhu.

Sana talaga di carpal tunnel to. Masaklap ang ganitong buhay para sa isang Net addict tulad ko. Ayan, tapos na and d/l ko ng Pinoy doll band mp3. Makarinig nga.

bumili na kayo

« Newer | »


ewan ko
home profile favorites
archives content gallery
links friends friends of