October 18th, 2006

intellectual masturbation

someone once told me that i write too way too much that most of the trash in my bin is composed of papers with scribblings on it. i do admit that i am guilty of it.

but that someone further commented, "sulat ka ng sulat ayaw mo namang ipabasa. (you keep on writing but you won't allow us to read them.)" 

 i replied in a bit irritated tone, "eh masaya nga akong nagsusulat eh. pakialam mo. sa masaya na ako na ako lang ang nagbabasa. (writing makes me happy. why do you give a damn. i am happy enough that i alone read them.)

she further argued: "in that case, para kang nag-mamasturbate. ikaw lang ang nakakaalam, ikaw lang nag-eenjoy. (in that case, it is as if you are masturbating. you are the only one enjoying from it.)

with those words, i was speechless. i never thought that someone would be that bold to tell me that in front of my very face.

that is the reason why i decided to use the term "INTELLECTUAL MASTURBATION" because i am happy and contented whenever i complete a composition. its way more than orgasmic---say euphoric. well, if dont get to finish my composition, i tend to get irrate or lazy or whatever. just like masturbation i do it alone. i write when i am alone. i think a lot when i am alone. and i pleasure myself with lots of ideas here and there then put them in writing. most of my compositions were written when i was alone in my own little world inside my head. i get to use my head or my brains rather.

it is a pretty good exercise for my head (up here not down there) and my hands... it give me pleasure... just like masturbation...

WELCOME TO MY INTELLECTUAL MASTURBATIONS!!!!

Posted by raging_ritch at 03:53 PM as a stickied post | 34 talked back

September 21st, 2004

Pasukin ang Mundong angkin...

"Mabigat na ang daigdig na pasan ko...

Ayaw kong pati ikaw ay papasan sa mabigat na daigdig ko...

tama na ako na lang ang pumasan ng bigat nito...."


kayo po ay tumuloy sa aking mundo...

magulo... tahimik...  

masaya....malungkot...

puno ng galit....umaapaw na pagmamahal....  

mag-isa... may kasalo...

PAUNAWA: "Bago niyo ako husgahan gamit ang inyong mapanuring mga mata... subukan niyo muna akong intindihin... subukan niyo muna akong mahalin buong puso... "

NARANASAN NIYO NA BA ANG MGA NARANASAN KO?

Posted by raging_ritch at 06:30 PM as a stickied post | 48 talked back

October 18th, 2008

in a sea of faces, lost in a crowd

it has been said that those who follow the crowd eventually got lost in them.

i now agree...

of the very many paths that was in front of me, i chose the beaten path.

the easy way

the challengeless road

the one that offered in plain sight of what was ahead

 

it was fun.

all laughter and shit

but then the it was replaced by boredom

the thrill was gone

everyone became just another face in the crowd

drowning in a sea of faces

alone

sad

purposeless

 

wake up

shake up

it s time to put

get back on a journey of my own

my own pace

my own road

my own cuts and bruises

my own way

my own

 

i know that i am lost

i do not know where i might be heading

one thing i know for sure

i am not staying in place...

i'll be moving on soon...

 

i gotta be...

 

 

 

 

Posted by raging_ritch at 02:00 AM | think out loud!

July 26th, 2008

magtagalog kaya sila sa MISS U at sa SONA???!!!

eto na naman tayo sa usapin ng SONA at ng pananagalog...

para san nga ba naman ang SONA? hindi ba't para ito sa pagrereport mo na kung anumang kabutihan ang ginawa mo sa nagdaang taon, kung meron man.. hindi ba't sinabing STATE OF THE NATION o sa tagalog kalagayan ng ating bayan kaya naman sa taong bayan ka makikipagusap hindi ba?? eh bakit hindi ka magtagalog para mas naiintindihan ka ng mga tao... nasa pilipinas ka, sa kapwa mo pilipino ka makikipag-usap, ba't di ka magtagalog...

kung ang rason mo eh yung mga diplomats kaya ka nag-iingles, eh hayaan mo silang mamoblema kasi sa bayan ka nagrereport hindi sa kanila... pwede ka namang isubtitle ng mga reporter na banyaga eh... ano ba mas gusto mo maintindihan ka ng bayan o ng mga dayuhan.... mamili ka...

ayan nasa pagtatagalog na rin lang tayo, meron pelikula sa cinemalaya na ang titulo ay "my fake american accent" hindi ko pa alam kung ano ang kwento dahil di ko pa ito napapanood... pero, sa naglipanang call centers ngayon, hindi na ako magtataka kung maraming  "may accent"... pati pananagalog nilagyan ng accent... pwe...

ah... siguro kaya pati sa miss universe, miss world at kung ano ano pa, walang nanalong pilipina kasi pilit silang nag-eenglish kahit hirap na silang iexpress ang kanilang sarili... pwede namang magdala ng interpreter sa ganitong mga patimpalak.. bakit ang mga latin countries hindi sila nahihiyang magdala ng interpreter... kasi sa wika nila sila mas nakakapag-express... kaya naman kahit na ang buong mundo ay hindi sila maintindihan, wika pa din nila ginagamit nila pero kung tutuusin, halos taon taon din naman silang nasa top 10, 15, 20... hindi kulelat...

ayan si miss san miguel, magdala na lang siya ng interpreter para baka manalo pa siya.. siya kaunaunahang binibini na nagdala ng interpreter... at nanalo... malay natin...

oo english speaking nation tayo, kaya natin magdala ng english conversation pero, ang vocabulary ba natin eh kasing lawak ng mga bansang ang mother tongue eh english???

ang ganang akin lang, mag-english ka basta naiintindihan ka at di ka nagmumukhang tanga... mag-english ka basta kaya mong i-express ang message mo sa tao... mag-english ka bahala ka, pero kung di mo kayang panindigan, magtagalog ka na lang... hindi naman masama ang magtagalog... sa tagalog o ilocano o cebuano o chavacano, kung saan ka mas maiintindihan, dun ka... kesa magmukha kang ewan at katawa-tawa...

Currently listening to: one trill hill season 5 soundtrack
Currently reading: nclex exam cram
Currently watching: kyle xy season 4
Currently feeling: nationalistic
Posted by raging_ritch at 04:27 PM as a favorite post | think out loud!

June 25th, 2008

after the rain

after the rain, came the storm...

i am drowning... where are you sunlight?

Posted by raging_ritch at 04:11 AM | think out loud!

June 7th, 2008

driving force

 

first i found my reason to start....

now i have you as my reason to finish it...

this one is for you...

 

 

Posted by raging_ritch at 06:01 PM | think out loud!

May 28th, 2008

lakad lakad lang

galing ako sa trabaho... palabas nang muli si haring araw subalit tinatakpan siya ng makapal ng ulap... gayunpaman, ang dilim ng gabi ay napapalitan na ng liwanag...

pagdating sa aking tinutuluyang apartment, nakaramdam ako ng pangungulila, pag-iisa, lungkot at kung anu-ano pa... hindi ko malaman kung saan ito nagmumula... ayokong alamin...

nagdesisyon akong maglakad-lakad... wala namang patutunguhan pero animo'y may sariling pag-iisip ang aking mga paa... naikot ko na ang aming kanto, ang sumunod na kanto at yung susunod pang kanto at yung sumunod pa roon... siguro pinapagod ko lang sarili ko para makatulog na pag-uwi... pero pag ganito pala kaaga, medyo sariwa pa ang hangin... buti na lang umulan kagabi... malamig.. masarap maglakad...

sa susunod kong lakad, saan kaya ako mapapadpad... sana, malapit ka lang para kahit lakarin ko araw-araw, ayos lang... alam ko kung saan patutungo...

Posted by raging_ritch at 06:12 AM | 7 talked back

May 26th, 2008

inspired daw oh?

ewan ko kung ano ang nagtutulak sa akin na magsulat pero sa ngayon eh hanggang sa sking pagtulog eh tumatakbo ang aking mga ideas para sa aking binubuong kwento.

 

siguro nga ay matagal ko na itong ipinagpaliban at panahon na para harapin itong muli... at ngayon ay tatapusin ko na... pramis...

 

Posted by raging_ritch at 07:17 PM | 2 talked back
« Newer | »