August 26th, 2007
paula and miko's megatrip
august 24,2007. friday. okay so biglaan lang ito. hahaha!
dismissal time. 12:40pm after ng electives nagkita kami ni paula. tas pumunta kaming 3rd floor para hanapin si mako kasi ipapauwi ko yung mga gamit ko. eh siyempre wala ang bata kaya pumunta kami sa bamboo area at dun ko hinintay ang magaling kong kapatid. eh wala talaga, hindi nagpakita. hindi sumipot. tipong buong schedule wala na. itsura palang inis na inis na sa akin ang aking bestfriend. halatang gusto na niya akong patayin. nagbihis na kami at lahat na tas sabi ko punta kami sa college para kunin un refund ko. oh basta yun nalang pera ko pang-gimik sana kasi gagamitin ko sa ibang bagay yung pera ko.
sa college cashier. grabe. pingamukha akong tanga ng miriam college. ang tagal tagal na kaya nung refund request na yun tipong june pa tapos hanggang ngayon hindi pa binibigay sa akin. sobrang ewan. nag iinit ako sa inis. tipong sasabog na. ilang beses na kasi akong pabalik balik dun tipong napupunta lang sa wala yung pagod ko. sana naman kasi magbigay sila ng malinaw na instructions para naman hindi kami nagmumukhang ewan na pabalik balik dun. tsk. whoooh if i know ayaw lang nila ibalik yun eh. maliit lang na halaga, 2 months ang pagpapalakad dun. o baka naman hindi nila nagagawa yung trabaho nila? bakit ang tagal? okay. bakit nga? wala akong pinaparating na masama. opinion lang talaga.
commute-tation. pauso ng salita. palabas ng miriam, dumaan kami sa blue na overpass at yun nga nagrereklamo na sa akin ang akin bestfriend. nag-aapoy na siya sa galit dala na rin ng inis ko sa nangyari sa amin sa loob nun! "alam mo hindi ko alam kung gusto kong magalit sayo, magpakamatay o simpleng tawanan nalang ito" sabi ni bestfriend. sabi ko na nga ba gusto niya na akong patayin sa galit sa kamalasang dala ko eh anyway. patuloy parin ang adventure. dala dala namin ang expander, algerbra book na sobrang kapal, school bag at sumakay kami ng katipunan jeep. para kaming lalayas.at akala ko naman alam ng bestfriend ko kung san kami pupunta o san ung daan. nung tinanung ko sabi ba naman "ewan bahala na." okay badtrip. bakit ako sumama sa isang taong hindi naman pala alam ang daan kung san kami patungo? ayos ah. ayun, nagtanung nalang ako sa katabi kong matanda. buti mabait at tinuro niya yung daan pero parang hindi ko yata naintindihan. hulog ng langit may binatang kasakay namin ng jeep ang lumapit at sabi "miss, papunta kayong LRT? sabay na kayo sa akin, dun din ang daan ko." naglakad kami at tinuro niya sa amin ang daan. mabait siya, may itsura din, tas okay lang. kwento siya, nagtatanung mga ganun pero wala kami sa mood ni bestfriend makipag-usap sa kanya. ang init eh. at tipong hindi ko trip makipag-usap talaga nung time na yun. edi ayun. nung malapit na kami sa may station, grabe nilabas niya yung cellphone niya hinhingi yung number namin, ako NR. walang narinig. si paula sabi "hindi ko memorize eh". haha! ano siya??? sinuswerte??? haha! pero salamat sa kanya nakarating kami sa LRT Station.
LRT. wahaha!tuwang tuwa kami nung nakarating kami s LRT. first time eh. maganda pala yun. natuwa ako kakaunti lang yung tao at tipong parang mga train station sa japan. pagbaba, nakaka aliw yung ticket machines/vendo. whatever you call it. hahah! tas basta ang cool eh. pagpasensiyahan na. tas ayun sumakay kami tas bumama. yeah! gateway naa.
Gateway. dumaan lang kami dun. naglakad tas kwentuhan. kung ano anong kwentuhan na sana mayaman at may pera kami ngayon para makapagshopping si paula. hehe. ako hindi na kailangan. hindi ako mahilig magshopping. gawain lang yun ng mga babae.
MRT Station. grabe! ang daming tao at ang haba ng pila! mahihilo ka talaga! ang tagal naming nakatayo at naghintay. halo halo ang amoy at init! ang lagkit ng feeling. sobra. eh ayun. todo nanaman ang pangangarap na sana may kotse kami at madali kaming nakarating sa mega. pero naisip din namin na mas okay din to kasi masaya naman ang adventure na hindi lang sarap ng buhay ang nararanasan namin. ang mga may kotse, hindi nila nararanasan ang ganitong adventure. boring din kasi kung kakaunti lang kayo sa kotse. eh pano kung tahimik pa. ahaha! eh sa labas. madami kang makikitang tao. madami kang maoobserbahan. basta madami. kung ako, ang pagkomyut at sumasakay sa kotse namin, sa totoo lang mas gusto ko nagkokomyut kasi madami akong nakikita. sa kotse, tulog lang ako. NR. no comment. ganun lang. sumakay kami ng tren at siksikan. ang dami tao. madaming mabaho. ganun. tas bumaba na kami sa shaw. siyempre kasi Shang ang gusto kong next stop. hahaha! eh muntik nanaman akong patayin ni Pau, kasi mas malapit daw ang mega sa ortigas station.
Shang. matagal na akong hindi pumunta dun. hahah! nakakamiss. nakakamiss lahat. namimiss ko rin yung buhay ko noon. nakakamiss ang tumambay dun at magikot-ikot. dati halos linggo linggo nandun ako na tipong ayoko na sana pumunta dun. sabi nga ni pau, maswerte daw ako. at dati nung mga bata pa kami naiinggit siya sa akin sa mga bagay ng meron ako. pero hello? sa buong buhay ko, inisip ko na kapantay lang ako ng lahat ng tao. hehehe. pero ewan ko, mahilig ako mamasyal noon pero ngayon tipong sa bahay lang, ayos na. tas kumain kami ni paula. kwentuhan at lahat na ginawa namin dun. tas pumunta na sa mega.
Mega. una sa lahat siyempre iniwan namin sa package counter yung mga gamit namin. hindi namin maeenjoy ang pag-iikot kung perwisyo ang dala dala namin. ayun. nagikot ikot kami at nangarap nanaman. hahah! ganun talaga pag magkasama kaming magbestfriend. walang humpay na pangangarap. ahahaha. ayun. napagod lang kami sa kalalakad. binisita namin ang art club. yeah. ang ganda ng mga gawa nila. ayun. lumabas kami nakakita ng artista. okay na. tas lumabas din. nag-ikot at ganun lang. tas uminom ng mango watermelon shake at tumambay lang. kinuha ni pau yung mga gamit namin sa loob ng department store at umalis na kami. walang humpay na kwentuhan. blah blah. tas punta nanamang mrt.
MRT. ganun parin. bumili ng ticket. sumakay. siksikan. madaming mabaho. daming may pawis. ang daming babaeng madakdak masyado. pero ayos lang. magulo pero masaya. natawa ako, may tumawag kay paula, si tita joy. at napasigaw siya nakakatawa kasi tinginan lahat! wahahahaha. ganun talaga ang napapala ko pag kasama ko ang bestfriend ko. expect the unexpected. bumaba kami ng trinoma.
Trinoma.umikot at lumabas. yun lang. at pareho kaming pagod. hindi yata kami nag-enjoy. enjoy kaming kasama ang isa't -isa pero sa pagod parang nawala. at may ineexpect kaming nakaka disappoint. sobrang ano yun!!! niurk. ahahaha! oh well. madaming pagkakamali. madaming natutunan.
*sa bestfriend ko. 12 years. kasama kita sa kalokohan, sa gimik, at sa lahat ng panaginip. buti napagtitiisan natin ang isa't isa. natatawa ako. kahit asar na asar ka na sa kapalpakan ko, hindi mo pa rin ako iniwan. ganun din ako sayo. kahit gustong gusto na kitang iwanan sa sobrang asar, hindi ko magawa. i love you bestfriend!!!!! hahaha! walang iwanan.
yun yun eh! dapat pala hindi na talaga ako pumasok. tsktsk. dbale. ligtas ako sa econ haha!
tas umuwi naa.