tabulas.com
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

November 29th, 2008

Pahiya.
POSTED AT 01:08 AM

Nasubukan mo na bang mapahiya? Yung mapahiya ka sa harap ng madaming tao o kahit sa kakaonti lang.

Ako, oo.

Kahapon napahiya ako. Kasi ganito yun... Kumain kami sa Sbarro sa may Trinoma nagyaya sila e. Tapos ayan order sige, pagdating sa drinks may nakita ako akala ko pineapple juice. Tinanong ko si manong, "Pineapple po ba yun?". Tapos nabasa ko sa gilid lemonade pala. At habang binasa ko nakita ko si manong nakatingin sa isang kasama nila na parang ang pakiramdam ko nagmukha akong tanga. Basta. Tapos narinig ko siya, "Mukha bang pineapple?" sabi niya sa kasama niya at nakangiti sila. Ayun, napa-"Ay lemonade pala" nalang ako, sabay ngiti at hehe tapos bayad. Pero sa loob loob ko, "E !@#$% pala kayo e, naknang!@#$!" medyo ganun. Hehehe.

At ano naman ang ginagawa ko kapag napahiya ka?

Ayun, katulad nga ng kwento ko sa taas. Napahiya nga ako. Iniisip ko nalang na okay lang. Minsan lang naman ako mapahiya e. E kung mamalasin sunod sunod. Pero minsan lang talaga at nangyari na eh, napahiya na ako ano pa magagawa ko? Oo nalang kahit ayaw ko. Tapos susubukan kong kalimutan yung nangyari. Pero minsan talagang bumabalik sa isip ko at naiinis ako at natatawa nalang ako. Pero nakakainis pa rin. Haha.

Ilang beses ka na napahiya sa buong buhay mo?

Ewan ko. Sa sobrang dami na, di ko na mabilang. Meron sa kasal, bata pa ako nun. Daming tao naaalala ko pa. At meron nung highschool. At meron ding yung wala masyadong tao.

Hindi masayang mapahiya, nakakainis. Badtrip ka na nga sa nangyari, badtrip ka pa ulit. Pisti talaga. Pisti ba! Hehe.


Labs mo ba boss mo?

Sinong boss? Si boss? as in si BOSS? Uu naman. Boss ko yun e. Bakit? Angal ka? Hehe.

Anong klaseng lab naman yan?

Edi yung pagmamahal ng isang subordinate sa kanyang boss. Kailangan pa bang itanong yun? Ibahin mo 'ko pre. Di na magbabago yun dahil di rin ako aasa. Haha. Masaya na ako sa ganito na boss ko siya

May gusto ko bang baguhin sa nakaraan mo?

Oo, madami.

Anong hiling mo ngayong pasko?

Sana po makapagtapos na ako ng kolehiyo. Pagbubutihan ko po. At sana tumaas pa intelligence ko para mas maintindihan ko gumawa ng program. Slow learner kasi ako e. Tapos sana gumanda hubog ng katawan ko, laki kasi ng tiyan ko e, kahit hindi sixpack basta sexy abs. Hehehe. At madami pa.

Ba't ba off-topic na yung mga tanong mo?! Tama na nga!

Namimiss ko na sila pati siya. Sino kaya si 'siya'? Ang landi ko. Hahaha!

Salamat sa oras nyo. Good day. Ingats.


« Newer | Older »

patLents
your name:

url:

your message: