Di ko muna itutuloy ung trip to quapo dahil may malagim na nangyari kanina papasok ako sa opisina.
Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako.
eto yung kwento
Papasok na ko ng office pumara ako ng FX megamall robinson na biyahe.
Sa gitna ako ng FX, at may lalake na nakaupo sa tabi ng driver (well akala ko lang pala yon na lalake sya) hindi naman kasi halata mukha kasi siyang siga na boxingero na nakapang office attire.
Habang nakaupo dun ako sa gilid bandang kaliwa umupo at sumandal, at ang mga sumunod na pangyayari ay tila ba nakakagambala.
(ako) - ma bayad
(manong) - *abot* sukli mo
(ako) - salamat po
Yun lang ung convo sa istorya na to kaya ko nilagay, ang mga susunod ay para kasing silent movie o horror psychological thriller na di ko mawari.
Malalim ang munimuni ko sa bintana ng FX sabay Lumingon si Lalakeng mukhang Boxingerong siga. (yun nalang ang itatawag ko sa kanya.)
Ang nakakakilabot dun mala exorcist ang lingon niya parang napunta na yung ulo niya sa likod niya.
Nung una kinabahan ako mukha atang nayabangan sa porma ko sabay balik ang ulo sa pagtingin sa harapan.
Medyo kinabahan ako, baka isa siya sa mga gustong pumatay sakin.
May mga nagsakayang pasahero napuno ang FX at syempra nacorner ako masikip sa para kong dinikdik sa salamin.
Sinubukan ko uling magmunimuni, pamayamaya pa medyo nagkaroon ako ng masamang pakiramdam yung tipong pakiramdam na may tumitingin sayo.
Napatingin ako sa Rear View Mirror ng FX, Tuminding ang balahibo ko Si lalakeng Boxingerong Siga nakatingin sakin yung tipong isang mata lang niya ung nakikita ko na nakatingin sakin.
Lumingon ako sa bintana ng FX talagang medyo pinagpawisan ako dun. Para siyang mamamatay tao kung tumingin.
Pamayamaya pa sinubukan ko uling tumingin sa Rear View Mirror nakita ko siya nakatingin parin Abay nanghahaba ang leeg sa pagsilip sakin. Sabi ko sa sarili ko " Hoy Obri lagot ka baka isa yan sa mga hired killer na tumutugis sayo". Medyo namumutla na ko.
Inisip ko nalang baka bakla lang to. (o baka nga killer) medyo paranoid na ko. Tinakpan ko nalang ang mukha ko ng kamay ko para kunwari tulog ako.
Sumusulyap sulyap ako at nakatingin parin siya sakin. Tae naman bakit ba niya ko tinitignan. Mga ilang sandali pa nagbabaan na ang mga pasahero na katabi ko, at siya sa harapan may katabi parin na babae.
Pumunta ko sa kanang sulok para di niya ko makita sa rear view mirror.
Nakatingin ako sa ligod nya sabi ko sa isip ko (belat sige subukan mong hanapin ako sa salamin ala na ko don ulol).
Pamaya maya nakita ko siya Aba sumusulyap sa kanang rear view ng FX.
(ako)- *sa isip* bwisit naman tigilan mo na ko, dyan ka nalang sa katabi mo tumingin may itsura naman.
Bigla nanaman siyang ng Exorcist langya bakit parang malagkit na ang tingin niya.
(ako) - nakow malamang ano nga to.
At totoo nga ang hinala ko ng dumaan na kami sa bandang emerald sa may raffles kung saan madaming nakatambay na mga call center agents.
Abay Hinahabol niya ng tingin ung mga may itsura ng 180 degrees pa ata ang ulo ng bwisit.
Pag dating sa Robinsons may mga nagsakayan ulit at nacorner nanaman ako.
Nakita ko nanaman siyang nagpiepiesta ang mata at humahaba ang leeg na parang girafe
Bumaba ung katabi niyang babae at biruin mo hindi gumalaw sa pwesto niya sa pagkaupo halos magkatabi na sila ni manong driver.
At ayun pagdating sa Podium sabi niya
(boxingerong siga daw) - Ma Parahhh!!!
at dun ko napatunayan AYYYY Chorva.. hehe
bumaba na siya at ang di ko malilimutan ay ang pagbaba niya.
Lumabas siya ng FX at yumuko sabay tumingin sakin at biglang *wink*.
ay bwisit...
Yung tingin na yon with matching *wink* ang Kumilabot sa buong katauhan ko tumindig ang balahibo ko at nagwala ang laman loob ko.
Hindi ko alam bakit niya ko napagtripan, Di naman ako nakaayos at isa pa ano mahihita nya sa pagmumukha ko mukha din akong buksingero. Ni hindi nga ako marunong pumorma ng matino eh.
Di naman ako against sa mga bakla sa totoo lang may mga kaibigan din akong bakla. Pero Yung mga tipong para ka nang kakainin at parang katapusan na ng mundo at yun na ang huling araw niya makakita ng lalake na mga tipo ang ayaw ko.
Magkakaroon ako ng trauma nito eh... At malamang magparehab ako at magpakunsulta sa psychiatrist para lang matanggal sa utak ko ung tingin niya na yon with matching *wink*.
tapo
Currently listening to: Enfagrow music theme
Currently reading: Highfiber.org
Currently watching: Coheed and Cambria - A flavor house atlantic music video
Currently feeling: Nangingilabot