March 30th, 2005

Ang SAYA-SAYA!

hay, gusto ko lang ibahagi ung sayang naramdaman ko ngayon. alam ko na ibinigay NIya sa akin ito kahit na hindi ako karapat-dapat. alas kwatro na ng umaga nung natapos ako sa pagsusulat ko ng mga formulas ko sa math. reviewer ko para sa finals. 7 am ng umaga ung exam ko. mga 5:30 ako nagising. 6:10 naka-alis sa bahay at binasa ko ung notes ko habang naglalakad, sumakay sa jeep at bus. konting memorize at sobrang daming dasal. yun ang pinakamalakas kong armas e. pagdating ng UP, baba sa FC, lakad hanggang math at bumili ng bluebook. pumasok sa room. mga 5 minutes nakong late. sayang, balak ko pang itanong ung mga hindi ko nagets sa lesson namin. oh well, natpos ang madugong exam ng mga 9. shucks! sana talaga hindi ako magrepeat ng 54 kasi sobrang apektado ung GWA ko. hindi nako makalipat sa kung anong inaplayan ko (IE, MATH, <applied> PHYSICS, BA, ECON, PHILO at baka SPORTS SCI). hirap kasi sakin gusto ko subukan lahat e. naglakad ako habang nangangarap na sana may makasalubong akong pe3 classmate. umupo sa sunken sa tapat ng PHAN at tinext si florence. magmimeet kami ng 2pm after ng check-up niya. magaling na! yoohoo! nag-isip sandali at tumayo para pumunta ng dlrc para magnet. nakita ko ung kaklase ko nung highschool na nag-aaral sa ARNEO. antagal na nung huli kaming nagkita at namiss ko ung lokong iyon. naglakad kami papuntang CASAA para kumain at nauwi kami sa mahabang kwentuhan ng buhay-buhay. confidant ko yun e. after some minutes, dumating si jolo, isa pang kabarkada nung highschool. nagkwentuhan lang kami hanggang 12pm nang hindi namamalayan yung oras. nakita ko si bel. napagdesisyunan na pumunta sa BA at on the way nakita ko si jr. sa BA, nakipagkwentuhan sa iba pang mga kapamilya. nagtagal kami hanggang mga 3pm yata. pero pinuntahan ko muna ulit si florence ng mga 245pm, nalate ako sa usapang 2pm. di ko kasi inexpect na tuloy kami. pero iniwan ko muna ung friendships nung highschool at nakipagkita kay flo. kamustahan. kwentuhan. aba akalain niyo mga tol maglalaro na ulit. may date pa dapat ung paglalaro niya at ichcheck nung doctor kung ayos na talaga ung nabali. so one of these days e magkikita na tayo mga PE3 people para maglaro. sinabi ko na baka rin palang pwede natin makalaro ung PE3 ngayong summer. kamusta na pala ung club?! hai, can't wait. iniwan ko ulit si florence, at nagdesisyon na magSM na lang at dun kumain. naku naman, alas tres na hindi pako nananghalian. nalipasan nako. pagbalik ng BA, sinundo ung mga kaibigan at bumaba. sa pagbaba, nakita ko si byg at take note: member siya ng SK at plano niyang mag-organize ng liga at kasali po tayo! nahiya nga lang siyang sabihin sa atin. hindi covered court pero ayos na yun. para makundisyon ulit din si florence, gaya ng sabi ni amy dati, di ba? ung mga liga papatulan natin. woohoo!!!!

pagpunta sa SM, kumain sa tokyo-tokyo at nakatatlong kanin, at ilang yelo kasabay ng tubig at iced tea na kinulayan ng red. STRIKE OUT ako kasi ung mga tanong ko sa mga kasama ko, mahabang usapan pero nauwi sa :  pano nagkakaron ng seedless na mga prutas? ano ka ba clang kinuculture un! ah ganun ba pano naman ung boneless na isda? kinuculture din ba? ano ka ba clang e pano nabuhay un kung kinulture?! daing un tapos hinihila na ung tinik. ay ganun pala! bat nga pala red ung iced tea. e kasi kinukulayan. ang tanga nung mga tanong ko pero di ko talaga alam ung sagot e. siguro iba din pag-interpret nila sa mga tanong ko. magkaiba ng language game. pero umabot ang kwentuhan ng 6pm. nakauwi sa bahay ng 7pm at konting sermon dahil 12hrs akong nawala. pero may pangsuhol na ube cake kay inay kaya ayos na.

ayos talaga tong araw na ito. di ko nabilang kung ilang beses ako tumawa. namiss ko si xianxu. pambawi siguro kasi miss ko na ung PE3 at ibang watscommon_israre people. basta sobrang ok kahit na nahilo ako pagtapos nung exam ko. sa uulitin. pasensya kung walang kwenta!

Currently listening to: noise
Currently reading: i kissed dating goodbye
Currently watching: awww...no full house for me tonight
Currently feeling: happy
Posted by khlung at 10:02 PM | 4 na mga nangialam

March 27th, 2005

TAO ako,hindi lang..

seryoso tong topic na ito. relihiyon e. may nagsabi sa akin pinakatangang pag-awayan daw ung relihiyon, kasi wala daw talagang patutunguhan kung sino ung may tamang paniniwala.

matagal akong umiwas para hindi gumamit ng pc at mag-internet, sacrifice ko iyon sa lent(as if din naman ayos ung pc namin e). iniisip ko nga ano bang i-popost ko sa tabulas ko. kahit paano pala may dumaan din dito. nung una kong post, aba merong mga dumaan na hindi ko kilala. at kung saan ako napunta, merong isang post tungkol sa pagdarasal niya. nung matapos kong basahin, napag-isip ako sa mga sinabi niya. minsan kasi nagdadasaal tayo pero may doubt pa rin tayo kung gagawin nga ni Lord un para sa atin. ang example na binigay niya e ung mga kababaihan daw sa church nila. sa isang fellowship daw minsan, nagdasal daw sila na sana wag umulan, maulan daw kasi noon tapos ayun, sa bait ni Lord, hindi nga umulan. dinasal nila na sana tuluy-tuloy na daw ung hindi pag-ulan pero paglabas nila, lahat sila may dalang payong, ayan tuloy, umulan.

pinagdiskusyunan pa namin ni inay ung tungkol dun. sabi niya, bakit naman ipagdarasal ung tungkol sa ulan. diba hindi naman ganun un? basta pag nagdasal ka kailangan may gawa. hindi ung ipagdadasal mo na sana pumasa ka sa exam mo pero hindi mo naman sinagutan ung papel mo. nasa gawa parin,diba? may sinasabi daw kasi sa bible na PRAY EXPECTANTLY, at guilty ako na minsan may doubt din ako pag nagdadasal. ngayon, sinusubukan ko na mawala ung doubt na yun at kung meron man, ipagdarasal ko na alisin Niya iyon. ang maganda kasi sa Kanya kahit na minsan unfaithful tayo, siya nananatiling faithful sa atin.

nung araw ng championship, nung nanglibre na si flo sa KFC, lumapit ako kay amy. tinanong ko siya ng isang seryosong tanong. paano ba magdasal? sabi niya lang sa akin ACTS o ASL daw. sabi ko,alam ko na yun. hindi ko nakuha ung gusto kong sagot mula sa kanya. hindi ko alam baka nabigla lang siya o yun na talaga ung sagot niya sa tanong ko.ang ewan ko naman kasi, ilang taon na ba akong nagdadasal, ngayon ko lang kwinestyon kung tama ba ung mga pinagdadasal ko. sabi nung isa kong kaibigan basta kinakausap mo na si Lord, nagdarasal ka na nun. pero ewan ko, parang kulang pa rin ung mga sagot nila. kahit na ganoon, nagdadasal pa rin ako. praise sa kanya, sorry, thank you at sana. pwede na ba un? naisip ko rin pala, sapat na ba ang maging believer?

nung nakaraan holy week andaming mga bagay ang sumagi sa isip ko. mga maling nagawa sa kapwa at sa Kanya. madalas nga pag nagkakamali e ang ibinibigay na dahilan natin e: "SORRY TAO LANG!" pero hindi naman jinujustify ng mga salitang ito ung ginawa nating mali hindi ba? oo nga tao lang tayo pero diba ang sabi sundan natin ung way Niya? at kung tao nga tayo kaya natin itama ung mga mali natin. hindi na nga natin mabubura ung maling nagawa pero dapat hindi na natin inuulit iyon lalo na kung nakakasama pa sa iba. nakuha mo bako? ang gulo ko noh?! basta ang alam ko hindi kailanman ijujustify nung mga dahilan ung mga mali natin kasi tao tayo at may kakayanan tayo na sundan Siya. kaya pag nagkamali kayo, kahit na gamitin mo ung mga salitang yan, aba, baka isagot ko TAO ka kaya mong baguhin ang mali mo!

Currently listening to: mga baril-barilan sa pc ng katabi ko
Currently reading: i kissed dating goodbye
Currently feeling: full
Posted by khlung at 09:59 PM | 4 na mga nangialam

March 21st, 2005

where I BELONG

sa wakas, kabilang na rin ako sa mga taong may tabulas. sino bang nagpauso nito,ha? sa totoo lang, hindi ako magaling magsulat, mapa-ingles o mapa-tagalog, hindi ko kayang pumulot ng mga malalamin na salita para ipaabot ang gusto kong sabihin.

kaya isang paalala: wag masyadong umasa.

ano bang linalagay sa mga unang entry? hindi ko naman talaga alam kung bakit ako gumawa ng account. dahil ba sa karamihan ng mga ka-team ko ay meron? o dahil gusto ko lang? sa totoo, wala akong paki. basta alam ko, andito na ako ngayon at nagsisimulang pumindot sa mga letra sa  keyboard.

maraming hindi nakakakilala sa akin. maraming humuhusga sa akin base sa labas kong kaanyuan. marami naman ang nakakaintindi sa akin. therefore, maraming tao sa mundo. <anong sense nun?!> malamang isa ka dun. ikaw na bahalang mag-isip kung saan ka bibilang.

sa mga hindi nakakakilala sa akin, ewan ko. ganoon talaga, mahirap yatang kilalanin lahat. sa mga humuhusga sakin, hindi ko alam kung anong gagawin. siguro doon ko nalang isasabuhay ung kantang narinig ko kailan lang <i don't care what they say about me, it's alright...>. sanay nakong sabihan na isa akong tibash pero di ko naman pinaninindigan iyon. pero sa mga kilos ko daw kaya ganun. ewan, ganun nako lumaki e. sa paligid ng mga kalalakihan. natandaan ko tuloy ung mga panahon na ang mga laro ko ay patintero, taguan, habulan, touch ball, teks at holen. mas marami pa nga minsan ung akin kesa sa mga kaibigan kong lalaki. umiiwas ako nun sa mga babaeng kapitbahay ko kasi ang laro nila bahay-bahayan, lutu-lutuan, manika. e linaro ko na yun dati, pinagsawaan ko lang. noon din akong unang natutong mag-dribble ng bola, at mag-shoot. natuto akong magbasketball. hanggang ngayon, masaya ako na natutunan ko iyon kasi dahil sa larong iyon ay nakilala ko naman ung mga taong umiintindi sa akin o pilit akong iniintindi o inaakala kong umiintindi o paniwala kong umiintindi.

naaalala ko pa ung unang araw akong pumasok sa gym noong nobyembre 13, 2004. magpapaprerog ako sa klase ng PE3- BS-W. hilg ko kasi ung laro kahit hindi ako magaling. wala akong kakilala gaano. wala akong ka-close. muntik nakong umatras noon pero nabuhayan ako kay pia, kasi pinilit ko siya na wag umalis sa klase. akala ko kasi makakasama ko si inay noon e parte na pala siya ng greenteam. pero walang kaso sa akin iyon. pinagtripan pa kami noon, pinag-lay-up, pinag-freethrow. pero pasok na naman sa klase. noong mga unang araw parang kahit na dalawang oras pa kami magkakasama, wala akong nakakausap gaano. tahimik lang ako. pero nagbago na lahat ngayon, nagkukulitan na kami at nagkwekwentuhan pa. sa kanila ko lang nakwento ung mga bagay na hindi ko nasasabi noon. parang ang sarap ng pakiramdam na alam mong kabilang ka na. minsan nga lang, di mo maiiwasan na  OP ka pa rin.hindi naman kasi mapipilit na pagkatiwalaan ka kaagad. kahit na iyon ang gawin ko, ayokong umasa na kung anong gagawin ko ay iyon din ang gagawin sa akin.

nung nakaraang sabado(marso 19, 2005), huling klase na namin sa PE3. huli pakong dumating sa klase. traffic e(hehehe). may laro dapat nun, sa pagkakaalam ko. e wala naman pala. e di naglaro lang kami doon sa isa pang court. kalahati lang. 3-on-3. kakampi ko si aurea at cayin laban kay roge, ajin at michal. kalaunan, sumali si amy at alex. basta nakailang minuto lang kami ng paglalaro, napagod din. hanggang sa mapagdesisyunan na maglaro ng kung ano lang. dapat bente uno,ayaw nila e. nagturo si amy nun ng isang laro. hindi ko alam ung pangalan basta alam ko kailangan mong i-eliminate ung nasa harap mo sa pamamagitan ng pag-una sa kanyang maipasok ang bola sa basket. nakatatlong ulit kami ng larong iyon. tapos nag-HORSE kami. ung gagayahin mo ung nauna sa iyo. si roge nanalo dun. nagutom na kami at nagdesisyong umalis.

natandaan ko ung pag-iinarte ko noon. maarte naman kasi talaga ako e. sensitibo kasi. pero wala na iyon. ang alam ko masaya ako nung araw na iyon. na makasama ko ung mga kaklase ko sa PE at magkakwentuhan kami. nakapunta nako sa bahay ni ajin(may sikreto kami niyan).

basta ang dulo lang naman nito e alam kong may kinabibilangan nako sa piling nila. kahit na OP pa rin ako minsan, ayos lang. kasi sa kanila din naman ako nakakaramdam na bahagi ako. gulo noh?! ganoon talaga e. sana lang kahit tapos na ung klase, magkakaibigan pa rin kami. at sana makasama ko pa rin ung mga kelot na yun.

"minsan mahirap din ung palaging ikaw ung humahanap ng dahilan para intindihin ang ibang tao, at iniisip mo na sana kahit isang beses lang ay makuha ka rin nilang intindihin."

Currently listening to: sounds ng tv
Currently reading: paboritong libro ni hudas
Currently watching: anime (not really watching)
Currently feeling: stressed
Posted by khlung at 06:04 PM | 5 na mga nangialam
« Newer | Older »