GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website



Simpleng Balahuraan: Updates / Announcements
| 01:49 AM

as a stickied entry


Pwede nyo ko i-add at/o i-link, wag na magpaalam. :D Tsaka mag-comment na rin kayo sa entries ko, wag yung magta-tag kayo at ang sasabihin lang ay "tag," "bloghopping," o maglalagay lang ng smiley (and the like) para magka-traffic sa website nyo.

ALSO, the tagboard is for random comments -- those that are not related to ANY of my entries. Kung related naman, andiyan ang comment space para ipahayag ang damdamin nyo. OK?

DO NOT copy anything from this blog--images, codes, and text alike. You may link back to the page/s that you found interesting, but DO NOT post the text on your site or email message. Ang pwede nyo lang kopyahin ay yung online quizzes, memes, at iba pang articles kung saan indicated namang hindi ko gawa yun. And don't forget to acknowledge the authors of those articles as well. Thank you.

UPDATES:
SEP 7th: UP Pep Makes UP Proud TALAGA.
SEP 6th: Half Days are Gdwn Days
SEP 3rd: Pick-up Girls
AUG 30th: Nothing Special
JUL 27th: Villains Make The Movie - TDK sorta review


kontakin ako kung nais mo: gdwn.trulyganda [at] gmail.com
**ang mga okrayan sa blog na to ay for fun lang; walang personalan. epekto lang yan ng creativity (?) and love for other people (?) ko. **



[ gdwn ]




UP Pep Makes UP Proud TALAGA.
| 08:14 PM

posted in What About Them?, Entertainment / Fangirling


Una sa lahat, HAPPY BIRTHDAY, PIO!!!! Sabi ko nga kay Kaeos, na syempre hindi nga pala niya nareceive dahil wala siyang phone, "Manalo man o MANALO, magpalibre kayo kay Pio. Tutal bday naman niya!" Eh owell, you won. At may MP3 players kayo, shet ka! hahaha.

Just like Jeff, UP Pep fan din ako. Aminin natin, basketball naman ang puso ng UAAP dahil yun ang nati-TV. Kung hindi ka sports fan tulad ko, hindi ka naman eeffort manood ng games ng teams na non-televised. Kaya ang siste, nagiging UAAP = basketball. Pero dahil bugok ang Maroons sa basketball and I'm SOOOOO NOT a basketball fan, UAAP = cheerdance para sa akin. Tutal, doon naman nananalo ang UP eh.

O anyway, Dun muna tayo sa gusto kong icomment sa UAAP Cheerdance Compet. Aside from okraying squad uniforms, narealize kong isa pang nakakakuha ng atensyon ko sa cheerdance eh yung music. GRABE. Dito mo maririning yung gay-est, most rocking, most nostalgic, or ultimate WTF-why-choose-that? music. Nakakatuwa at nakakatawa.

Tinatamad akong commentan ang bawat team this year. Hindi kasi ako nakapag-notes. Kasi, pagkatapos magperform ng UP Pep, yung routine pa rin nila ang iniisip ko. ANG LUPET, SOBRAAAA!!! Yung ang galing galing na nakaka-kilabot talaga. This year's is my favorite performance na. Yung huling fave ko kasi eh yung may arnis sila at naka-capris. Kelan ba yon? O anyway, UP Pep sets the trend talaga. Last year, they were rock stars. This year, tribo naman. Not to mention the originality of music. Hands down, UP Pep. Kung sakaling hindi man kayo naging champs ulit, which I doubt, UP will still love you for this year's routine. Kasi stand out eh. At exceptional talaga.

Ganyan kagaling ang UP Pep that they touch the hearts of many. hahaha. Parang E-heads. May ganong comparison? Basta. Nakita ko pa nga yung friend ko sa TV na umiiyak. Itago na lang natin siya sa pangalang Aristotle Maglayon. Pero kaya siguro ako fan ng UP Pep, bukod sa magaling sila nang BONGGA, eh dahil malapit lang sila sa puso ko. Kasi ang dami na ring UPIS peeps na dumaan diyan. At for the past few years, naging 03-dominated din ang Pep Dancers/Drummers. Iba yung feeling na nakikita mo na yung mga kaibigan mo on TV na nananalo sa much-anticipated event every UAAP. Kung hindi mo man sila nakikita, alam mong andun sila at pumapalo. Shout-out sa mga natitirang 03 sa Pep ngayon: Pio, Kaeos, Mapat -- field demo days pa lang eh nagpapataob na kayo ng other batches. Being in the UP Pep Squad is not that different. Gumaganon!

For that, CONGRATS, UP PEP SQUAD!




[ gdwn ]




Half Days are Gdwn Days
| 11:43 PM

posted in The Life of Gdwn


Ang saya-saya kapag morning duty ka lang sa work. Na iyong-iyo ang hapon para magkipag-bonding with yourself. Parang yung Sacred Sundays. Pero Sundays are more for pahinga for me. Maarte? Yung afternoon off's at work naman ay for shopping. Quality internet time naman pag tinamad ako lumabas.

Saturday. Edi half day na naman. Nagpunta akong St. Francis square para mamili ng pang J-cls sa aming upcoming trip na nawa'y hindi mapurnada.

Flashback: Saturday last week, last leg ng pig-out week, sa North Park with Grace, Jer, Jay, & Rozz. Tapos nanood yung tatlo ng For The First Time sa Greenhills at sumama naman ako para mag-shopping.

Going back to my shopping chronicles.... ayun, bago ako mag-St. Francis, nag-Mercury Drug at Watson's muna ako para mag-replenish ng mga kelangan sa bahay at stock sa office: maraming shampoo, conditioner, toothpate, lotion, napkin, among others na animo'y magtatayo ako ng sari-sari store. Eto akong si tanga, dala-dala ko lahat ng yun sa mabigat ko nang bag habang nililibot ang tiangge. Seryosong nanakit ang likod at legs ko nun. To think na slacks lang ang nabili ko ha. At wala akong nabiling sapatos. For that, wala pa pala akong kumpletong outfit! At the end of the day ko na lang marerealize kung anong gaano kalaking kalokohan ang ginagawa ko. Dahil hindi worth it yung pagod dahil hindi ko naman nabibili yung mga kelangan/gusto kong bilhin.

Ang pili-pili ko kasi mamili. Yung feeling ko, hindi worth my money yung mga nakikita ko. Kaya ayun, leg work out ang drama ko. Tapos eto, narerealize ko na lang na too much stress on me yun. Hindi healthy. Kelangan dumisiplina.

Yan ang resolution ko for my next shopping escapades during afternoon off's. Dapat productive. Kung hindi, itulog ko na lang. In fairness kasi, feeling ko mas marami pa akong naaaccomplish pag half day. Yung mag-isa akong maglilimayon, nagla-lunch mag-isa. One time sa Kenny Roger's, tapos mapapa-reminisce bigla, movie-mode. hahaha. Yung mag-isa akong magmo-mall o magta-tiangge. Though Makati/Quezon City pa rin, at least hindi na within UP lang. Lalo pa't marunong na akong pumuntang Greenhills nang naka-pampublikong sasakyan. Pauwi na lang yung aaralin ko pa.

Next half day ko, malamang last week of September pa. At bilang magbabalik na ang Heroes on Sept. 22, I'd probably spend my half day downloading the season premiere.

Which reminds me about Prison Break. Hindi ko na gagawan ng separate entry, hindi ko naman re-reviewhin eh.

 

(onto the spoilers)




[ gdwn ]




Pick-up Girls
| 08:29 PM

posted in The Life of Gdwn


Last Monday, birthday ng aking beloved Nanay. So, since I'm trying to develop my EQ, binilhan ko siya ng cake. Yung Frozen Brazo de Mercedes from Dimpy's that I've been craving for. Php600 siya, pero birthday naman ni Nanay eh, kaya binili ko. Isa pa, hindi everyday occurrence tong ganito!

After work, sinamahan ako nina Aika & Kat (Cut. hahaha). Nag-taxi kami going to 1423 Acacia St. sa Dasma Village. So ayon, pagdating namin sa Dimpy's, lo and behold, ayaw na kaming hintayin ng lekat na driver! At ewan ko ba at hindi naman kami nagmakaawa masyado kay manong driver na hintayin kami!

For that, wala kaming ride palabas ng village. AT WALANG TAXI palabas, of course. Yun ang simula ng adventure... naglakad kaming tatlo palabas ng village. Ang concern pa namin, mukha kaming mga yaya na nag-day off at may idedeliver sa amo bilang may dala nga akong karton ng cake nun!

Pero pinanindigan namin ang paglalakad. Malay ba namin ni Aika na hindi pala sanay sa lakaran tong si Kat? Ayun, bumukas ang tahi ng gaga. Kaka-tooth surgery lang kasi niya recently; tapos may dala pang MALAKING bag dahil galing siyang province and that was a Monday nga. (And the humongous bag added the mga-naglayas-na-yaya image). But for the love of Nanay, I continued walking. And since Kat and Aika are such good friends, they walked by my side. Awwww...

*biglang may tumunog na motor*
Kat: Sis!!!! Ayan na, may tricycle!!!!
Aika: Sis, walang tricycle dito sa village!!!



Oo nga naman. HAHAHAHA. High-end village eh. Yung mga ga-mansion o ga-white house ang mga bahay. Yung pwedeng-pwedeng pag-shootingan ng hacienda o haunted house. Ako naman, tanggap ko na sa sarili ko na maglalakad kami hanggang MRT Ayala station. Si Kat, talagang nakabantay sa bawat sasakyang dadaan. "Ayun, Sis!! Matanda!!!" ang hirit ni Ate sa tuwing may makikitang kotse na feeling niya, pwede kaming isakay. Pero siyempre, hindi kami pumara. How dugyot naman, right?

Malapit na kaming makalabas ng village nang may van na pumara sa amin: "Lalabas ako, gusto nyong sumabay?" OMG. Pumatol kami. We were dugyot, indeed.

Mukhang hindi naman kami itatangay nung driver, at maganda yung van. Sorta like Jaja's, but a little more bongga. At wag ka, pulitiko pa raw pala ang may ari nung sasakyan. SHET TALAGA. Pumatol kami. hahahaha. Ngayon ko lang nare-realize na paano kung nalihis nang konti yung fate namin to the more negative side of things? Yari.

Anyway, we got to MRT Ayala safely naman. The cake was still frozen and Kat hadn't collapsed yet. We got home safe. Happy birthday.




[ gdwn ]




Nothing Special
| 09:27 AM

posted in Entertainment / Fangirling


Last Tuesday, napanood ko na rin yung A Very Special Love dahil sa peer pressure, LSS, at good reviews. Na-excite naman talaga ako, kasi yung mga kasama ko pang manood eh 2nd-timers na sa pelikulang 'to. Nasa mood naman ako manood, ready to feel kilig.

Kaya lang, ayun... Forgettable ang movie. Gusto ko siyang i-blog at i-recount ang kilig moments with kilig lines, pero eto, ang tagal nang pending nitong sinusulat ko, ngayon ko lang natapos dahil hindi ko rin maalala yung mga eksena. For a supposedly feel-good romcom, nahabaan ako sa A Very Special Love. Hindi dahil sa mahaba ang running time, kundi dahil ang tagal bago dumating sa kilig scenes at parang ang tagal bago dumating dun sa kwento talaga. Akala ko noon, madali akong ma-impress sa movies kasi naappreciate ko naman yung movies nina Juday at Piolo, at ang latest kilig movie for me ay yung You Got Me. To think na naappreciate ko siya despite the casting of Zanjoe Marudo in the movie, it must be samteeng!

As Jessica Zafra put it, A Very Special Love was simply a series of kilig moments. Yun nga lang, hindi ko na-feel yon! In fairness, I was really looking forward to the kilig scenes, masabi lang, pero ilan lang yung tumatak sa akin.

(Tulad na lang nung...)

Pero nag-shine si Sarah Geronimo. No doubt, moment niya sa pelikulang ito. Kung si John Lloyd yung nagbigay ng "awwww..." factor sa movie dahil sa drama scenes at sa heartless-boss-turned-soft-hearted-lover character niya, si Sarah naman yung continuous comic relief. WHATTAFACE kasi talaga. Yun naman ang puhunan nila sa movie -- facial expressions ni Sarah. Walang malupet na dialogues pero yung mukha ni Sarah Geronimo, iha-haunt ka forever.

So ngayon, meron namang For The First Time. Ay nako, dito hindi na ako magpapapilit manood nang may bayad. Richard Gutierrez movie eh. Walang kalatuy-latoy na acting naman yan. Kahit set in Greece pa. Nako, magpunta na lang tayo ng Greece at gumawa ng kanya-kanya nating pelikula.




[ gdwn ]

« Newer | »


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf