December 2nd, 2008
Best Wishes POSTED AT 01:47 PM 7 am ang start ng duty ko kanina. Hanggang 8 am ang duty ni Ex-Mahal (E-M). May 2 pasyenteng dumating sa loob ng isang oras na magkasama kami sa ER. Inassistan ko siya (siyempre) at nagbigay ng mga injections. Wala pang 8 nung natapos yung dalawang pasyente. Yung isa kong kasama sa duty, may pinuntahan. Naiwan kaming dalawa ni E-M. Magkaharap na nakaupo. Isang lamesa at isang dipa ang pagitan. Nagkatinginan at nagngitian. Siya ang unang nagsalita. E-M: So... how are you? Ako: I'm not fine. (Totoo naman. Nilalagnat at inuubo pa rin ako for 2 days na. Yung lalamunan ko feeling ko nagsasara na sa sobrang sakit). E-M: Not 'mabuti'? (tapos tawa) Ako: (Tumawa rin) Ah, you remembered. That's the only word you remembered. E-M: Yeah, because you're not teaching me anymore. (echusa ka!) Ako: You're going back to *insert name of country here*, right? Is it today or tomorrow? E-M: Today. Ako: At what time? E-M: 12 noon. Ako: Only you? E-M: Yeah, just me. (at nakita ko na naman ang nakakatunaw niyang ngiti. Shucks. Buti hindi ako na-out of balance) Ako: How about your family? E-M: They already left a month ago. Ako: But your brother is still here. He will not attend your wedding? (Oo, mga friends. Kaya siya magva-vacation leave for 23 days) E-M: He still has some works to do here. But he will follow afterwards. ...at nag-usap pa kami ng ibang bagay tulad ng nangyari sa isang pasyente kahapon bago siya umalis. Hindi naman matagal ang usapan. Hanggang sa mag-8 am lang at matapos ang duty niya. Tapos unti-unti na lang siyang lumalabas ng emergency room habang nagsasalita at tumatawa na kausap ako. Wala ng ba-bye na nangyari. Hindi ko alam kung nagfeeling na naman ako pero parang minamadali niya yung usapan at medyo umiiwas siya. Ako? Wala naman ng hurt sa totoo lang. Masaya naman akong makita siyang nakangiti paalis (naks. martir...hehehe).
PS: Yung younger brother niya pumunta kahapon. Nung time lang na yun yung first time ko siyang makita. Siguro 2-3 years lang ang tanda nun sa akin (unlike ni E-M). Nagwo-work siya sa isang company, not related to medical. Pero, shet! Kung guapo si E-M para sa akin, etong kapatid niya ay SOBRANG GUAPO!!!! wahahahaha Now I know kung bakit hindi na ako bitter! 5 Shared
|
|
November 30th, 2008
Hindi ko alam kung mababasa mo POSTED AT 12:56 AM Pasensiya. Nabuksan ko na naman ang friendster mo. Sensiya na, chismosa lang. Gusto ko lang naman din makibalita sa iyo. Nakalimutan pala kitang batiin ng happy birthday. Actually, oo. Nakalimutan ko talaga, hindi na ako magpapalusot pa. At saka nga di ba, hindi naman naka-set to alarm ang birthday reminder mo sa aming mga friends mo kasi nga, ayaw mo. O well, ayan tuloy nakalimutan ko talaga. Isa pa, busy din naman ako. At saka ano nga bang paki mo kung maalala ko man o hindi ang birthday mo di ba? Wala naman talaga. Busy ka rin naman. Baka nga masurprised ka pa kung makatanggap ka ng bati galing sa akin e. Alam ko na rin pala na nakapasa ka na sa boards. Congrats. Hindi naman ako nasurprised e. Ikaw pa, e henyo ka! Hindi na rin kita binati at hindi ko na rin ipinaalam sa iyo na alam ko na nakapasa ka. Baka naman kasi isipin mo, view ako ng view ng profile mo at nakikibalita pa ako sa iyo. Baka sabihin mo, hindi pa rin ako nakakaget-over sa iyo. Hindi naman siguro kasalanang i-view ang page mo di ba? Hindi naman siguro krimen ang makibalita kung ano'ng nangyayari sa iyo. Ikaw rin naman nung lumabas yung results ng Nursing Licensure Exams last year e vi-niew mo rin ang profile ko e. Akala mo siguro hindi ako papasa noh? Akala ko rin e! Hahaha... O well, salamat na lang at mabait pa rin sa akin si Lord. Anyways, back to my point, ikaw rin naman, hindi mo rin ako nagawang batiin nung pumasa ako. Bagay, hindi naman nga tayo friends. Bakit tayo magbabatian? Bakit tayo magsasabihan ng congratulations sa isa't-isa? Isa pa, baka maging issue pa yun. Hindi ko alam kung maniniwala ka, pero gusto ko lang malaman mo na I'm happy for you. Nagiging maayos na ang start ng career mo, at sana magtuluy-tuloy pa ang success mo. I'm also happy for the both of you. Oo, bitterness aside na talaga yan ha! Hahaha... Hindi rin naman kami close ni gf mo pero at least, we've settled some important issues. Nakakahiya nga e. May munti akong kasalanang nagawa na aaminin ko sa inyo. Nung nag-e-edit ako ng mga bago kong friends at links dito sa blog kong ito, na-delete ko as a friend ko si gf mo. Sorry naman at hindi ko talaga sinasadya yun! Gusto ko naman ulit siyang i-add e, ang kaso, malalaman niya na dinelete ko siya at kaka-add ko lang sa kanya. Which is really not my purpose. Kaya paki-explain naman kay gf (o kaya kung binabasa man ito ni gf) ang nangyari dahil sa aking kashungahan. Sensiya. Cute na tao lang... Belated happy birthday at Congrats ulit. Hindi ko naman pwedeng sabihing sana maging friends tayo dahil siguro imposibleng mangyari yun (who knows. Time will tell na lang). Ayun lang. Naalala lang kita. Kaya kung inubo ka man o nakagat mo ang dila mo ng mga oras na ito, ako yung nakaalala sa iyo.
|
|
November 27th, 2008
Hirit ng mga "Pwede sana" :D POSTED AT 02:02 PM Dahil ako nga ay na-diagnosed na may Chronic Bronchitis, kinuhanan ako ng chest x-ray last week. Pagkatapos ko magpa-x-ray... X-ray technician: "You have a lot of phlegm here (turo sa may left lung). And your heart is a bit smaller than the normal size." Ako: (shocked at natakot dahil alam ko namang wala akong sakit sa puso, pero baka nagkaroon na nga) Really?! X-ray technician: "Yeah. If you want, I can fill up the emptiness in your heart to make it bigger." Huwaaaaatttt???!!!! Ahahahaha... yown naman pala e!
Nagpagupit ako ng buhok last sunday. Sabi nung maggugupit, iibahin daw niya ang style ngayon (suki na kasi niya ako). Oh well, nung natapos SOBRANG IBA na nga. Ang ikli! ang pinakamalala pa e ang ikli nung bangs! E ano pa bang magagawa ko, hindi ko na pwede i-glue yung mga nagupit niya. Pinagpuyatan ko tuloy nung gabing yun kung paano ko didiskartehan yung pusod ko para sa duty. Kaso, malas. Hindi kaya ng magic powers ko ang nangyari sa buhok ko. Tawag tuloy sa akin sa ospital ngayon ay "Chun Li", "Bruce Lee", at "Jackie Chan". Sa tuwing makikita ako ng mga doktor, umaakting sila na parang magku-kung fu sila at hihiyaw ng "Hi-yaaaaa!!!!!" Laughtrip naman talaga mga pang-aasar nila sa akin. Lalo na nung tinanong pa ako nung isang doktor kung nalulugas daw ba buhok ko o sadyang sinunog ko. Mga ewan sila! hehehe... Nakakatawa pero lalo tuloy ako na-conscious. Pero sabi ng aking "friend"... "You know what? You're so concern about hair. Yes, it became short and very different from what you had before. But it doesn't matter. Your face is still the same. You're still beautiful. And I like your hair now because it shows off your pretty face." Naman! Feeling ko tuloy hindi ako nagpagupit.... wahahahaha |
|




